Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Aug 15, 2026
2 suspek sa pagpanaw ng estudyante tiklo
Aug 15, 2026
Heart binayaran P2M utang ng kaibigan
Aug 15, 2026
Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
Aug 15, 2026
Calendar
Showbiz
Mika nagbura ng socmed apps para sa peace of mind
Vinia Vivar
Aug 15, 2026
19
Views
Inamin ni Mika Salamanca na nagbura siya ng ilang social media applications upang hindi na niya mabasa ang mga negatibong komento tungkol sa kanya.
Bagama’t marami ang sumusuporta at humahanga sa aktres-singer, hindi rin niya maiwasang makatanggap ng pambabatikos mula sa ilang bashers.
Sa panayam sa kanya sa vlog na aktor na si Christian Bables, naitanong kay Mika kung paano niya hinaharap ang mga kritisismo at negative comments.
“Ang nagwo-work sa akin is nag-delete ako ng mga apps,” natatawa niyang pahayag.
Aniya, iba-iba ang paraan niya ng pagharap sa hate comments noon at hindi rin daw ito naging madali para sa kanya.
Ngayon, mas nagbago na raw ang kanyang pananaw pagdating sa mga pambabatikos.
“Ang nagwo-work sa akin talaga ngayon is the art of dedma. The art of pagpili kung kailan mo dapat pakinggan ‘yung sasabihin ng iba,” ani Mika, na tinanghal na Big Winner ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.”
Aminado rin siya na masarap talagang magbasa ng comments, lalo na kapag puro positibo ang mga ito.
“‘Pag good ang comments, nakaka-adik. Parang ‘Wow, they love me!’ May gano’n talaga, eh,” pagbabahagi niya.
Gayunman, kapag may nababasa siyang masasakit o hindi magandang komento, hindi niya ikinakaila na naaapektuhan pa rin siya dahil tao lamang din siya.
Dahil dito, napagdesisyunan niyang mas mabuting iwasan na lamang ang pagbabasa ng comments upang maprotektahan ang kanyang peace of mind.
May isang direktor din umano na nagbigay sa kanya ng payo na mas piliin niyang pakinggan ang mga taong tunay na nagmamahal sa kanya.
“Kasi, maraming pwedeng sabihin ang iba’t ibang tao sa ‘yo, kahit ‘yung mga taong malalapit sa ‘yo, pero iba ‘yung mga taong mahal ka. Kasi ‘yung mga taong mahal ka, hindi ka i-please niyan. ‘Yung mga taong mahal ka, sasabihin kung ano ‘yung dapat para sa ‘yo, kung ano ‘yung mabuti at makakatulong sa ‘yo,” saad niya.
Dagdag pa niya, may mga taong sasang-ayon lamang sa lahat ng gusto mong marinig, ngunit hindi ito nangangahulugang makatutulong sila.
“Makakatulong sa ‘yo ‘yung mga bagay na ayaw mong marinig pero kailangan mo,” sey ni Mika.
Sunshine tinanggihan dream project dahil sa sakit
Aug 15, 2026
Heart binayaran P2M utang ng kaibigan
Aug 15, 2026
Shaira at EA palitan ng sweet anniversary greeting
Aug 15, 2026
Osaka food trip nina BINI Aiah at Kyle, trending
Aug 15, 2026

