Grand Larawan: Miss Grand International/FB

Miss Grand Int’l nasungkit sa 1st pagkakataon ng taga-Africa

24 Views

KASAYSAYAN ang isinulat ni Jihan Dimachk ng Tanzania matapos koronahang Miss Grand International 2026, ang kauna-unahang kinatawan ng Africa na nagwagi sa prestihiyosong beauty pageant.

Naganap ang ika-14 na edisyon ng kompetisyon noong Oktubre 10 sa MGI Hall sa Bangkok, Thailand. Ipasa ni outgoing queen Emma Mary Tiglao ng Pilipinas ang gintong korona sa bagong reyna.

Tinanghal na first runner-up si Shyare Andrade ng Ecuador, sinundan ni Beau Megan Goos ng Netherlands bilang second runner-up. Nakuha naman ni Ximena Carrillo ng Guatemala ang third runner-up, habang fourth runner-up si Emoura Pham ng Vietnam.

Sa isang sorpresang pagbabago sa final round, pinalawak ang Top 10 bilang Top 11, kung saan kinilala bilang fifth runners-up sina Marlène Kouassi ng Côte d’Ivoire, Alyanni Gómez ng Cuba, Pety Juárez ng Mexico, Vicky Carbonell ng Puerto Rico, Patthama Jitsawat ng Thailand at Lady Di Mosquera ng Venezuela.

Samantala, nagtapos sa Top 25 ang pambato ng Pilipinas na si Angelica Lopez. Naging tampok sa preliminary competition ang kanyang pambansang kasuotan na hango sa kuwentong-bayan tungkol sa mangkukulam.

Orihinal na nakatakdang idaos sa India ang pageant, ngunit inilipat ito sa Bangkok dahil sa iniulat na paglabag sa kontrata.