Mendoza Ang seremonya ay dinaluhan nina Atty. Noreen Bernadette San Luis-Lutey, Chairperson ng LTO-LGU Interconnectivity Project; Region IV-A Regional Director Elmer J. Decena; City Administrator Alma A. Malabanan; City Councilor Reynoso M. Espiritu; at ABC President Florencio Sangalang, kasama ang iba pang mga opisyal ng LTO Region IV-A at lokal na pamahalaan ng Tagaytay.

MOA sa LTO-LGU interconnectivity system nilagdaan

Jun I Legaspi Aug 20, 2024
90 Views

NILAGDAAN ng Land Transportation Office (LTO) ang isang kasunduan kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Tagaytay na magbibigay-daan sa interconnectivity ng traffic enforcement unit ng lungsod sa online system ng ahensya.

Nilagdaan ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang kasunduan kasama si Tagaytay City Mayor Abraham N. Tolentino noong Lunes, Agosto 19, 2024.

Ipinaliwanag ni Assec Mendoza na ang LTO-LGU Interconnectivity System ay magbibigay-daan sa mas pinabuting koordinasyon at mas episyenteng operasyon sa pagitan ng dalawang ahensya, partikular na sa pagpapatupad ng Single Ticketing System.

“This MOA assures cooperation between your LTO and the City Government of Tagaytay to ensure seamless connectivity in terms of ensuring the implementation of traffic rules and regulations as part of the road safety advocacy of our Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista,” ani Assec Mendoza.

“This program is important to the City Government of Tagaytay especially that this City is one of the favorite vacation destinations of a lot of people from Metro Manila and nearby provinces,” dagdag niya.

Sa kanyang bahagi, binigyang-diin ni Mayor Tolentino na ang kolaborasyong ito ay mahalaga para sa pagtataguyod ng disiplina sa kalsada at pagpapahusay ng kaligtasan ng publiko sa buong Lungsod.

“This memorandum of agreement is a significant step towards improved regulatory efficiency,” ani Mayor Tolentino.

Ang seremonya ay dinaluhan nina Atty. Noreen Bernadette San Luis-Lutey, Chairperson ng LTO-LGU Interconnectivity Project; Region IV-A Regional Director Elmer J. Decena; City Administrator Alma A. Malabanan; City Councilor Reynoso M. Espiritu; at ABC President Hon. Florencio Sangalang, kasama ang iba pang mga opisyal ng LTO Region IV-A at lokal na pamahalaan ng Tagaytay.