Calendar
Motorcade nina Crisologo mainit na sinalubong sa Distrito Uno ng QC
MAINIT na sinalubong ng libo-libong residente ng District One sa Quezon City ang isinagawang motorcade nina QC Rep. Anthony Peter “Onyx” D. Crisologo at maybahay nitong si Councilor Nicole Ella “Nikki” Crisologo. Naglabasan sa lansangan ang hindi mabilang na dami ng mga taong sumalubong sa nasabing parada.
Hindi mahulugang karayom ang mga dami ng mga taong dumagsa sa lansangan noong Linggo upang salubungin ang dumarating na motorcade ng mag-asawang Crisologo. Kabilang na ang iba pang kandidato sa ilalim ng “Malayang Quezon City Team”.
Tinatayang umabot sa 100,000 residente ang dumagsa sa iba’t-ibang lugar o barangay sa Distrito Uno para tunghayan ang pagdating ng nasabing motorcade kung saan kasama dito ang iba pang candidato sa pagka-Konsehal.
“Malugod akong nagpapasalamat sa mga District One dahil sa mainit na pagtanggap nila sa amin ni Councilor Nikki (Crisologo) at kitang kita namin ang kasiyahan sa mga mata ng mga taong ito na hindi ininda ang init ng araw para lamang sumalubong sa aming motorcade,” sabi ni Cong. Onyx Crisologo.