Motornap

‘Motornap’ suspek bagsak sa kamay ng Pulis Tanay

46 Views

BAGSAK sa kamay ng mga Pulis-Tanay ang suspek sa carnapping ng motorsiklo matapos marekober sa kanya ang tinangay na sasakyan sa Brgy. Tandang Kutyo, Tanay, Rizal noong Martes.

Si alyas Japeng, 25, ang suspek at siyang itinuturong nasa likod ng serye ng nakawan ng motorsiklo sa Cainta, Rizal, ayon sa pulisya.

Base sa imbestigasyon, ala-1:15 ng hapon noong Nobyembre 5 nagreklamo ang nagpadala ng kanyang Yamaha Mio Sporty sa harap ng kanyang pinagtatrabahuhan na nawawala na ang motor niya bandang alas-3:00 ng hapon.

Bandang alas-7:00 ng gabi napansin ang motorsiklo ng kanyang ama na minamaneho ng suspek kaya nag-udyok sa kanya na magtanong kung bakit nasa kanya ang motor.

Tumakas ang suspek ngunit hindi nakalayo dahil sa mabagal na daloy ng trapiko.

Nakita ng mga pulis sa lugar ang kaguluhan at doon naaresto ang suspek at nabawi ang ninenok na motorsiklo at ilang sari-saring susi na ginamit ng suspek sa kanilang mga aktibidad sa carnapping.

Sa follow up investigation ng mga tauhan ng Tanay Municipal Police Station, lumilitaw na ang naarestong suspek may standing warrant of arrest sa kasong carnapping sa Cainta, Rizal.

Inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso laban sa naarestong na suspek.