Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Metro
Move It rider binurdahan ng saksak sa mukha, kritikal
Jon-jon Reyes
Oct 29, 2024
206
Views
NAKIKIPAGBUNO ang isang Move It rider kay Kamatayan matapos saksakin sa mukha at kaliwang binti ng suspek sa Interior 24, Pasigline St., Brgy. 779 Sta. Ana Manila noong Lunes.
Arestado ang suspek sa pananaksak kay alyas Rommel na nakilalang si alyas Giancarlo, ayon sa report ni Police Lieutenant Colonel Dionelle Brannon, hepe ng Manila Police District-Sta. Ana Police Station 6.
Sinabi ng pulis na naganap ang pananaksak bandang alas-5:50 ng hapon. Naaresto ang suspek isang araw matapos ang pananaksak, ayon sa report.
Ayon sa salaysay ng saksi na si alyas Camille, biglang inatake ng suspek na armado ng patalim ang biktima.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananaksak.
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025