Gapas

Murder suspek nasilo sa Bulacan

Edd Reyes Sep 6, 2024
21 Views

PINURI ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela Police sa pagkakadakip sa suspek sa murder at frustrated murder noong Biyernes sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay Valenzuela Acting Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon kung saan nagtatago si alyas Juan, 28, kaya’t inatasan niya ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team na tutugis sa kriminal.

Dakong alas-8:00 ng umaga nang matiklo si alyas Juan sa MacArthur Highway, Brgy. Ibayo, Marilao, Bulacan.

Hindi na nagtangkang manlaban ng akusado nang isilbi sa kanya ang warrant of arrest galing kay Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Orven Kuan Ontalan ng Branch 285 para sa mga kasong murder at attempted murder.

Pansamantalang nakapiit sa Valenzuela Police Station detention facility si alyas Juan habang hinihintay ang commitment order ng hukuman para sa paglipat sa kanya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Valenzuela City Jail.