Calendar
Nadine, bet mag-ala-Johnny Depp
SUMALANG si Nadine Lustre sa isang virtual mediacon Huwebes ng gabi matapos ang ilang panahon ng pagpapahinga para sa comeback film niyang Greed na mapapanood sa Vivamax Plus simula March 16 sa ilalim ng Viva Films.
Sa nasabing digicon, inamin ng aktres na sobra niyang na-miss umarte sa harap ng kamera. Iba raw ang pakiramdam at masaya siya na makatrabaho sa kauna-unahang pagkakataon ang award-winning director na si Yam Laranas.
Natutuwa rin daw siya na hindi muna rom-com ang proyektong in-assign sa kanya kundi isang suspense-thriller kung saan kapareha niya si Diego Loyzaga.
Paniniwala ni Nadine, at 23 years old, panahon na para mapanood siya ng fans sa kakaibang mga project.
Aniya pa, “I’m way past the loveteam phase. I feel like even in the past times, feeling ko ’pag ganitong edad na, wala nang loveteam, parang ’di na bagay. Let’s see what happens.”
Gaya nga ng Greed, mas bet na ni Nadine ang mind boggling scripts gaya ng action films.
Willing din siyang gumanap sa papel ng isang psycopath “or something different para exciting siya gawin” tulad daw ng mga role na ginagawa ng Hollywood actor na si Johnny Depp.
“It’s time for them (fans) to see me in other roles,” giit niya.
Nagpasalamat din ang aktres sa loyal fans niya na hindi bumitaw kahit panandalian siyang nawala sa eksena.
Ang huli nga niyang proyekto ay ang Indak with Sam Concepcion nu’ng 2019 pa.
Kwento ni Nadine, gaya ng iba, marami-rami rin siyang pinagdaanan nu’ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic at masuwerte siya na nandiyan pa rin ang fans niya na sumusuporta sa lahat ng desisyon niya.
Habang nasa showbiz respite, common knowledge na naglagi si Nadine sa Siargao kasama ang non-showbiz BF na si Christophe Bariou.
Aniya pa, nag-focus siya sa paggawa ng musika habang wala sa pelikula.
Marami rin daw siyang inayos sa sarili niya sa pagkakataong iyon, lalo na pagdating sa kanyang mental health.
“But I’m really happy na nakakaarte na rin ako. For
two to three years, inuna ko talaga sarili ko,” dagdag niya.
Kung meron man daw siyang natutunan sa lahat ng pinagdaanan, ito ay ang maging mas kind sa sarili.
“I guess it’s just a matter of being courageous and facing all these things. Mahirap talaga ang buhay so you have to brave it,” diin pa ni Nadine.