SEN. LITO LAPID KINILALA AMBAG NI KA FREDDIE SA PH
May 28, 2025
E-TRIKE DRIVER ARESTADO SA KASONG MURDER ng MPD
May 28, 2025
Nega epekto ng EDSA rehab hiniling iwasan, bawasan
May 28, 2025
Calendar

Provincial
Nag-away sa videoke, GRO binaril
Jojo Cesar Magsombol
May 6, 2025
60
Views
SUGATAN ang isang guest relation officer matapos pagbabarilin ng nakatakas na salarin sa Brgy. Poblacion 3, Tanauan City, Batangas, noong Lunes.
Ang biktima, si alyas Sandra, 34, naninirahan sa Phase 1, Block 1, Lot 50, Brgy. Hidalgo, Tanauan City habang ang suspek nakilalang si alyas Bernard.
Ayon sa imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima, suspek at iba pang kasamahan sa Kuyakoy Resto Bar nang mag-away ang dalawa tungkol sa kakantahin sa videoke.
Makalipas ang ilang sandali, biglang binaril ng suspek ang biktima sa leeg at mukha at tumakas na patungo sa Brgy. Hidalgo sakay ng tricycle.