Calendar

Nag-death threat, nanakot ng negosyanteng babae, hinuli
TIMBOG at naghihimas na ng malamig na rehas ang 38-anyos na suspek sa pananakot at panunutok ng baril sa 53-anyos na negosyanteng babae noong Lunes sa Caloocan City.
Nadakip ang suspek na armado ng 9mm Glock pistol na may apat na bala sa magazine.
Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nauna ng nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima mula sa suspek na ipinadala sa kanyang FB account.
Nang umuwi ang biktima sa bahay niya sa Urduja Village, Zabarte, Brgy. 172 dakong alas-9:30 ng gabi, nagulat siya ng datnan sa loob ang suspek na armado ng baril.
Tinangka niyang lumabas subalit hinarang siya ng suspek bago tinutukan ng baril matapos ang kanilang mainitang pagtatalo.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong grave threat, grave coercion, paglabag sa RA 10591 at BP 881 o Omnibus Election Code sa Caloocan City Prosecutor’s Office.