Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
Calendar

Provincial
Nagba-bike nasapol, nagulungan ng truck, utas
Jojo Cesar Magsombol
Feb 28, 2025
57
Views
TODAS ang 15-anyos na teenager matapos magulungan ng truck habang namimisikleta sa Brgy. Dalipit East, Cuenca, Batangas noong Huwebes.
Ang biktima ayon sa Pulis Cuenca ay kinilalang si alyas Dwight.
Ayon kay PSSg Alvin Jobli Magpantay, bandang alas-5:52 ng hapon nasabitan ang bike ng biktimang si alyas Dwight ng Isuzu truck (DCB 166) na minamaneho ni alyas Kharl, 26.
Matapos sumabit, nagulungan pa ang nagba-bike na sanhi ng kamatayan nito.
Dinala sa Martin Marasigan District Hospital ang biktima kung saan idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Patrick Katapang.
SEN. PIA INENDORSO NI GOV. GARCIA
Apr 2, 2025