Ampaw Kulungan ang kinahantungan ng 24-anyos na dalaga matapos mabuking na nandukot ng ampaw mula sa biktima sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Nagnenok ng ampaw nasakote

Jon-jon Reyes Dec 26, 2024
12 Views

NALAMBAT ng mga pulis ang suspek sa pandurukot na dumayo pa sa simbahan ng Sto Niño De Tondo Parish Church sa Chacon St., Tondo, Manila para nenokin ang ampaw ng dalaga.

Nakilala ang suspek na si Princess, 24, na nahuli agad nang nakahingi ng tulong ang biktimang si Jeraldin, 24, matapos nenokin ang ampaw niya.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Aniscal, bandang alas-11:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa tabi ng simbahan.

Katatapos pa lamang ng biktima dalaga magsimba ng makaramdam ito na dinudukutan siya ng ampaw niya na may laman na P1,200 habang naglalakad sa gilid ng simbahan.