Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Metro
Nagtago sa Caloocan dahil sa kidnapping, nasakote
Edd Reyes
Mar 7, 2025
82
Views
NADAKIP ng mga pulis ang kidnap suspek sa Quezon province makaraang magtago sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan City.
Binulaga ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals ang 40-anyos na akusado sa Phase 5Y, Package 5, Brgy. 176, Bagong Silang Huwebes ng dakong alas-12:40 ng hatinggabi.
Ayon kay Col. Canals, nakatanggap sila ng impormasyon na ginamit na kanlungan ng akusado ang tinutuluyang tirahan sa Bagong Silang.
Pansamantala munang ipiniit sa custodial facility ng Caloocan City Police Station ang akusado habang hinihintay pa ang ilalabas na kautusan ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Lucena City Jail sa lalawigan ng Quezon.
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025