PRC

Nagtapos sa Southwestern University nanguna sa PT licensure exam

Neil Louis Tayo Jun 21, 2023
181 Views

Isang nagtapos sa Southwestern University ang nanguna sa June 2023 Physical Therapists Licensure Examination.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) si Edzelle Mhay Benitez Naquila na nakakuha ng 89.90 porsyento.

Pumangalawa naman si Shayne Fernandez Minasalbas ng Iloilo Doctors’ College (89.75 porsyento) na sinundan ni Alessandra Loi Tolentino Silva ng Wesleyan University-Philippines-Cabanatuan City (89.20 porsyento).

Pang-apat naman si Kathleen Kelly Quinia Bautista ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (89.05 porsyento) at sinundan nina Dodievic Villena Arma, ng Remedios T. Romualdez Medical Foundation (89.0 porsyento) at Mikaela Tomenio Azul, ng University of Santo Tomas (88.80 porsyento).

Sumunod naman sina Kenneth Bryan Agpaoa Facun, ng University of Perpetual Help System-Laguna (88.60 porsyento), Carina Joyce Canonigo Caguiat, ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (88.30 porsyento), at Kaycee Endaya Franco, ng Lyceum of the Philippines University-Batangas City (87.65).

Tabla naman sa ika-10 puwesto sina Fatima Therese Velarde Doyon, ng Remedios T. Romualdez Medical Foundation, at Erroin Cruz Hernadez ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila na nakapagtala ng 87.55 porsyento.

Ayon sa PRC 708 sa 1,026 kumuha ng pagsusulit ang nakapasa.