Knife File photo ni JONJON C. REYES

Nagyayang mag-sex sa 2 bebot dedo sa kadyot

11 Views

PATAY ang 35-anyos na obrero matapos saksakin ng mga lalaking pinag sumbungan ng dalawang babae na niyaya niyang mag-sex sa Quezon City noong Sabado.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), nangyari ang insidente bandang alas-11:30 ng gabi sa harap ng bahay ng biktima sa Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PSMs Joey Madrid, bago ang insidente naglalakad ang dalawang babae nang yayain ng obrero na makipagtalik sa kanya.

Nagsumbong ang dalawang babae sa mga kaibigang lalaki kaya sumugod sa bahay ng biktima at hinamon ng suntukan ang biktima.

Lumabas ang biktima para humingi ng paumanhin pero agad siyang sinaksak sa tiyan at mukha ng mga suspek at saka tumakas.

Isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center subalit idineklarang dead-on-arrival.