Calendar
Nahawa ng COVID-19 umakyat ng 60%
UMAKYAT ng 60 porsyento ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3.
Ayon sa Department of Health (DOH), umabot sa 7,398 ang bilang ng mga bagong kaso na naitala sa bansa sa nakaraang linggo.
Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ay nasa 1,057, mas mataas ng 60 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Hunyo 20 hanggang 26.
Sa mga bagong kaso, 19 ang malubha at kritikal na karamdaman.
Noong Hulyo 3, mayroong kabuuang 497 nahawa ng COVID-19 ang na-admit sa pagamutan dahil malubha o kritikal ang kanilang kondisyon.
Sa 2,487 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 381 o 15.3 porsyento ang okupado. Samantala, 19.9 porsyento o 21,791 non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.
Mayroon namang naitalang 74 na pumanaw at wala sa mga ito ang naganap noong Hunyo 20 hanggang Hulyo 3.