Naka-sando, shorts na kelot nag-dive sa ilalim ng trak, patay

Jon-jon Reyes Aug 24, 2024
28 Views

DUROG ang hindi pa nakikilalang biktima nang umano’y mag-dive sa ilalim ng truck sa Osmeña Highway sa San Andres St. Malate, Maynila noong Sabado.

Tinatayang nasa 30 hanggang 40-anyos, naka asul na sando at itim na shortpants ang biktima, ayon sa mga pulis.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Genesis Flagne, may hawak ng kaso na pinangasiwaan ni Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Investigation Traffic Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-3:40 ng umaga nang maganap ang insidente.

Ayon kay Alvin Acabal, 41, driver ng truck, habang binabaybay niya ang Osmena Avenue bigla umanong nag-dive ang biktima.

Kusang loob na sumuko ang tsuper na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide.