Canal Hila-hila ng rescuer mula sa San Jose City Fire Station ang wala ng buhay na batang lalaki na nalunod sa irigasyon sa Brgy. Sto. Tomas, San Jose City noong Sabado.

Nalunod na bata naiahon sa irrigation canal

Steve A. Gosuico Apr 6, 2025
23 Views

SAN JOSE CITY–Nalunod ang 9-anyos na batang lalaki sa bayang ng lumangoy sa irrigation canal noong Sabado.

Naalerto ang Bureau of Fire Protection-San Jose City sa distress call tungkol sa drowning incident sa Brgy. Sto. Tomas dakong pasado ala-1:00 ng hapon.

Rumesponde ang mga elemento ng fire station sa pangunguna ni fire Chief Senior Insp. Julius Mangrubang sa lugar upang i-verify ang insidente.

Nangyari ang insidente sa irrigation canal na dating pinangangasiwaan ng National Irrigation Administration-Casecnan Multi-Purpose Irrigation Project na sakop na ng NIA-Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (NIA-UPRIIS).

Nagsagawa ng search and rescue operations hanggang sa makita ng mga awtoridad ang wala ng buhay na biktima na lumulutang sa irigasyon.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician.