Calendar

Nanghalay ng bebot na ex-pastor nalambat ng parak
INARESTO ng mga operatiba ng Manila police ang lalaki at dating pastor sa Cebu City dahil sa kasong child abuse at anti-child pornography sa isang restaurant sa Capitol Drive, Pasig City noong Sabado.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros, hepe ng Barbosa police station, ang inarestong suspek na si alyas Paul Jake, 29.
Kinasuhan ang suspek ng pang-aabuso at anti-child pornography matapos ireklamo ng isang biktima na umano’y minolestya at vinideohan pa habang ginagawan ng kalaswaan ang biktima.
Ayon kay Police Major Salvador Inigo, chief ng Warrant Section ng Barbosa police station, nagkakilala ang suspek at ang biktima sa simbahan kung saan niligawan umano nito ang biktima.
Pagkatapos noon niyaya ng suspek ang biktima at isinakatuparan ng dating pastor ang pang-momolestiya at pag video sa maseselang parte ng katawan ng biktima
Dahil dito dinakip ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Argao Cebu Presiding Judge Hon Rebotiaco sa kasong paglabag sa anti-child abuse law and Anti-Child Pornography Act of 2009.