Bride

Nawawalang bride posibleng namomroblema sa pera, ama may sakit

521 Views

POSIBLENG nakararanas umano ng emotional distress at problema sa pera para mastustusan ang pagpapagamot ng kaniyang ama, maging ang gastusin sa kasal ang nawawalang bride.

Ito ay matapos ilabas ng Quezon City Police District (QCPD) ang inisyal na resulta ng digital forensic investigation sa cellphone ng nawawalang bride na si Sherra De Juan.

Sinabi ni QCPD Director P/Col. Randy Glenn Silvio, lumalabas na posibleng nakakaranas ng emotional distress si Sherra dahil sa problema sa pera para tustusan ang pagpapagamot sa kanyang ama at ng kanilang nakatakdang kasal.

Aniya, nakita rin sa web history at search item sa cellphone ni Sherra ang paghahanap nito ng mga gamot na maaring magresulta sa pagkamatay na kanila na ngayong iniimbestigahan..

Nagtungo na rin ang mga operatiba ng QCPD sa Dumaguete kung saan nakaratira ang mga kaanak ni Sherra na posible umano nitong puntahan.

Una na rin umanong sinuyod ng mga pulis ang Tagaytay matapos makatanggap ng impormasyon na namataan doon ang missing bride subalit kamukha lamang umano ni Sherra ang nakita.

Patuloy pa rin umaapela sa publiko ang mga awtoridad sa sinumang makakita o may nalalaman sa kinaroroonan ni Sherra na agad makipag-ungayan sa pinakamalapit sa police station.