Calendar
![NBI](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/NBI-2.gif)
NBI chief: Walang harassment sa kaso vs VP Sara
ITINANGGI ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na hina-harass nila si Vice President Sara Duterte kaugnay ng inihain ng NBI na mga reklamo ng inciting to sedition at grave threats laban kay VP Sara.
Pumalag din si Santiago sa pahayag ni dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na walang basehan ang mga reklamo ng NBI laban sa pangalawang pangulo.
Nilinaw ng NBI chief na nasa Department of Justice na ang bola kung isasampa ang dalawang kaso laban kay VP Sara o ang isa lamang na asunto.
Una na ring hinamon ni Panelo si Santiago na bumalik sa law school dahil kinukuwestiyon ni Panelo ang reklamo ng inciting to sedition dahil hindi naman aniya hinimok ni VP Sara ang publiko na mag-alsa laban sa pamahalaan.