Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
NBI nailigtas 2 Pinay sa African drug syndicate
Jon-jon Reyes
Feb 13, 2025
646
Views
NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Dangerous Drugs Division ang dalawang Filipina na mabibiktima sana ng African drug trafficking syndicate sa Malaysia kamakailan.
Sa press conference, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nakipag-ugnayan sila sa Malaysian authorities para isagawa ang operasyon kaya’t nasagip ang dalawang Pinay at nadakip ang isang babae na miyembro ng sindikato ng droga mula Africa.
Sinagot ng mga sindikato ang biyahe ng dalawang Pinay papuntang Malaysia kung saan pinangakuan sila ng $5,000 para dalhin ang packages sa Hong Kong.
Pero bago matanggap ng mga Pinay ang package nasakote na ang babaeng may dala ng droga kung kaya’t hindi na nakasuhan o papanagutin ang dalawang Pinay.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

