Santiago Nagbibigay pahayag si NBI Director Jaime Santiago kaugnay sa nasabing operasyon ng nasabing STF ng ahensiya sa Bulacan. Kuha ni JONJON REYES

NBI-Special Task Force binuwag, hepe sibak; ops sa Malolos iniimbestigahan

Jon-jon Reyes Aug 6, 2025
240 Views

BINUWAG ni National Bureau of Investigation (NBI) Chief Jaime Santiago ang 13 tauhan ng Special Task Force (STF) at pansamantalang tinanggal sa pwesto ang hepe nito makaraang magsagawa ng operasyon at kuwestiyunableng pagdakip sa siyam na Chinese national sa isang resort sa Malolos, Bulacan,.

Nagbunsod ang naturang insidente sa mga dayuhan na umano’y inuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Dahil sa reklamo ng Chinese Embassy kaugnay sa pagkakadakip ng umano’y mga sangkot sa POGO, agad na umaksyon si Director Santiago.

Kasabay nito ay isinailalim na sa masusing imbestigasyon ang STF sa Internal Affairs Division ng NBI at inilipat muna sa iba’t ibang division habang pinag-aralan ang nasabing pag-aresto sa mga Chinese national.

Maging ang hepe ng Task Force ay pansamantang tinanggal sa puwesto dahil sa command responsibility.