NCRAA

NCRAA team ICC sasabak sa Australia

Robert Andaya Mar 22, 2024
198 Views

HAHARAP sa panibagong hamon ang National Capital Region Athletic Association (NCRAA) sa gagawing paglahok sa Australian Chinese Basketball Association (ACBA) Easter Classic tournament sa March 27- April 3 sa New South Wales, Sydney, Australia.

Napiling ang NCRAA Season 29 champion Immaculada Concepcion College, sa pangunguna nina school owner Marco Agana at dating PBA player-head coach Ogie Gumatay, para kumatawan sa bansa sa naturang kumpetisyon.

Makakaharap ng ICC Blue Hawks sa nasabing eight-day competition ang pitong iba pang mga teams: lima mula New South Wales, isa mula Malaysia, and isa mula Africa.

“It’s a big honor both for NCRAA and ImmaculadaConcepcion College to be invited to play in Sydney, Australia,” pahayag ni Gumatay sa panayam ng People’s Taliba.

“After winning the championship in last season’s NCRAA, we’re proud to represent the country. ICC will do its best to bring honors to the country while promoting friendship and camaraderie with other school-teams,” dugtong pa ni Gumatay.

“Actually, bago kami pumunta, pinag-usapan na namin yan. Alam naman natin na pag dating sa height medyo kulang tayo kaya talaga yun mga players sabi ko sa kanila kung ano man ang mangyari don, yun exposure at experience natin ang mahalaga.

Kaya dapat ibigay natin yun best natin. And of course mag concentrate kami sa team defense dahil.alam naman natin pag international, malalaki sila.”

Nagpasalamat din si Gumatay sa pagkakataon na maging kinatawan ng bansa ang ICC.

“Sobrang laking bagay nito sa school, lalo na sa mga players kaya naman nagpapasalamat kami kay sir Marco. Pati na kay boss Buddy, na siyang nag arrange ng biyahe para sa Australia.”

Si Encarnado, na tumatayo ding NCRAA General Manager, ay bumiyahe pa patungo sa Sydney nung nakalipas na buwan, upang tiyakin ang paglahok ng NCRAA champion.

“The local Philippine community in NSW is now eagerly awaiting our local team. Some have already volunteered to host lunch and dinner to the Blue Hawks,” pahayag ni Encarnado.

“Nagpapasalamat tayo sa local organizer na ACBA, pati na sa Down Under Sports. Yun privilege na binigay sa atin talagang magandang opportunity para sa ating manlalaro,” dagdag pa ni Encarnado.

“The champion of this year’s tournament will again be sent next year to join the tournament.”

Makatutuwang ni Gumatay sina Michael Angelo Gonzales at Richard Rosales,na siya ding tatayong liaison officer of NCRAA.

Lalaro para sa Blue Hawks sina team captain Alfred Flores, Jared Vento, Louise Rocha, Felix Corpuz, Ivan Joaquin, Jan Famaranco, Brent Paccarangan, Paul Gadin, Jayvee Ibarra at Edrian Ramirez.