PCG

Negosyong Pinoy sa US palalakasin ng PCG, SFFACC

155 Views

PCG1PCG2

NAG-usap kamakailan ang mga opisyal ng Philippine Consulate General (PCG) sa San Francisco, California at San Francisco Filipino American Chamber of Commerce (SFFACC) upang talakayin kung paano palalakasin ang mga negosyanteng Pinoy sa Amerika.

Tinanggap ni Consul General Arnel Talisayon sina SFFACC President Shan Serran, Secretary Lorna Lardizabal Dietz at Chairman Jose Pecho sa konsulado noong Setyembre 22.

Paksa ng pulong ang pagbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa mga Filipino at Fil-Am founders, lalo na sa pagpapalakas ng ugnayang pang-negosyo sa pagitan ng Pilipinas at ng Silicon Valley/Bay Area.

Napag-usapan ang access sa puhunan, paghahanda sa mga negosyo para sa mga investor at ang kahalagahan ng targeted business matching upang masigurong magiging tagumpay ang mga bagong venture ng ating mga kababayan.

Dumalo sina Consul Rowena Pangilinan-Daquipil, Trade Commissioner Anne Marie Kristine Umali, Economic Assistant Danica Vismonte at Rosalie Say ng Philippine Trade and Investment Center–Silicon Valley.