Heart Evangelista

Netizens inggit sa Bulgari necklace ng aso ni Heart

Vinia Vivar Aug 18, 2024
27 Views

DogMay sagot si Heart Evangelista sa viral photo ipinost niya kung saan makikita na suot ng Aspin dog niyang si Panda ang bonggang Bvlgari necklace.

Ipinost ni Heart ang larawan sa Instagram at kaagad na umani ng katakut-takot na reaksyon mula sa netizens.

Isa nga sa mga nag-react ang direktor na si Darryl Yap at siya ang unang pumansin na ini-endorse ni Pia Wurtzbach ang nasabing brand ng necklace.

Matatandaan na nagkaroon ng issue sa pagitan nina Pia at Heart nang mapunta ang glam team ng huli sa una.

Sa latest Instagram Live ni Heart ay nilinaw niya na pag-aari nila ni Panda ang naturang necklace.

“I own the necklace, you know. I can do whatever I want,” aniya.

Dagdag pa niya, “Basically, Panda owns the necklace. So, hindi siya loan. So, she can do whatever she wants with it.”

Needless to say, super-inggit ang netizens sa aso ni Heart