sara4 Si Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte habang dindeliver ang kanyang mensahe ng pagkakaisa sa libo-libong tagasuporta na pinangungunahan ni Isabela Governor Rodito Albano sa Queen Isabela Park sa Ilagan, Isabela. Kuha ni VER NOVENO

Noon pa man Isabela BBM-Sara na—Gov. Albano

344 Views

HINDI pa man nagsisimula ang kampanya ay buhos na ang suporta ng Isabela kina presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Gov. Rodito Albano kasabay ng kanyang mainit na pagtanggap sa BBM-Sara UniTeam sa kanyang lalawigan ngayong Martes.

“I can say that even before the campaign began, we in Isabela were already all in for BBM-Sara UniTeam. Ngayon pa kaya na nakita namin ang sinseridad nila, especially Mayor Inday Sara,” sabi ni Gov. Albano.

Ayon kay Gov. Albano hindi nila masisisi si Duterte kung hindi na ito dumalaw sa kanilang lugar dahil tiyak na umano ang panalo nito pero pina-unlakan pa rin sila nito at ito ay lubos na ipinagpapasalamat ng kanyang mga kababayan.

“Honestly, nobody would blame Mayor Inday Sara if she choose not to come here; she could have relied solely on the popularity up north of former Senator Bongbong Marcos and still could have enjoyed a comfortable victory. But she is here with us today and we are delighted,” sabi pa ng gubernador.

Sinabi rin ni Gov. Albano na hindi pinabayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang lalawigan kaya naman sinuportahan ng kanyang mga kababayan ang anak nito gaya ng pagsuporta kay Marcos na ang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay malaki rin ang naitulong sa pag-unlad ng kanilang lalawigan.

Ipinagpasalamat naman ni Lakas-Christian Muslim Democrats president at House Majority Leader Martin Romualdez ang napakainit na pagtanggap ng Isabela sa UniTeam.

“Sobrang solid north talaga ito, napaka-init ‘yung pagtanggap,” wika pa ni Romualdez.

Bukod kay Albano, sumalubong kay Duterte sina Vice Gov. Bodjie Dy, at Rep. Tpnypet Albano.

Sinabi ni Rep. Albano na ang Isabela ay maituturin