Calendar
Norwood, Rain or Shine nagkasundo
NATALO man sa kanilang semifinal showdown laban sa defending champion San Miguel Beer sa PBA Philippine Cup kamakailan, patuloy pa din ang Rain or Shine sa pagpupursige na manatiling competitive sa mga susunod na PBA tournaments.
Kabilang na dito ang hakbang na mapanatili sa kanilang lineup si veteran Gabe Norwood bilang playing assistant coach.
Ang 39-year-old Filipino-American forward-guard, na pinili ng Rain or Shine bilang No. 1 overall pick nung 2008, ay muling pumirma ng kontrata para manatiling miyembro ng coaching staff ni coach Yeng Guiao.
Ayon sa mga ulat, ang kontrata ni Norwood bilang playing assistant coach ng Elasto Painters ay para sa isang buong taon.
Sa kanyang 15th season, naging malaking tulong pa din si Norwood para maka-abot ang E-Painters sa semifinals ng PBA Philippine Cup sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon.
Ang Fayetteville, North Carolina native ay nag-averaged ng 3.0 points, 3.8 rebounds, at 1.6 assists para sa Elasto Painters.
“We have to keep Gabe and Beau (Belga) so they can keep on helping us in the team. Sila yung veteran leaders namin,” pahayag ni Guiao sa interview na ibinahagi ng official PBA website.
Tinukoy pa ni Guiao ang leaderahip na ibinibigay nina Norwood at Beau Belga sa mga bata at bagong players ng kanilang team
Sinaksihan nina Rain or Shine team governor Atty. Mamerto Mondragon at lead assistant coach Caloy Garcia ang pagpirma ni Norwood ng bagong kontrata.