Cordova

NTC: Phone users dapat turuan na mag-block ng mga mobile number

469 Views

INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga manufacturer at distributor ng cellphone na turuan ang kanilang mga parokyano kung papaano makakapag-block ng mobile number.

Ginawa ng NTC ang hakbang sa kabila ng patuloy na pagpapadala ng mga scammer ng text messages sa kanilang mga nais biktimahin.

Ayon sa NTC ang mga cellphone ay mayroong mga blocking feature at maaari na sa spam folder mapunta ang mga text message mula sa mga piling sender.

“Mobile phone manufacturers, distributors, and dealers shall provide directions to their mobile phone users on how to block texts from mobile numbers not in their contact lists and how to create a spam folder in their inboxes,” sabi ng memorandum na inilabas ng NTC.

Ang memorandum ay pirmado ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.