Calendar
Dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co
NUP: Mga paratang ni Co hindi kapani-paniwala base sa takbo ng Senate probe
ANG mga bagong pagsisiwalat sa Senado “cast into serious doubt” ang mga paratang ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co laban sa ilang opisyal ng pamahalaan at nagpahina sa pundasyon ng kanyang mga pahayag, ayon sa National Unity Party (NUP) nitong Miyerkules.
“In light of recent revelations emerging from the ongoing Senate investigation, the National Unity Party believes that the allegations made by Mr. Zaldy Co are cast into serious doubt. Put simply, we believe Mr. Co is lying,” pahayag ng partido.
Binigyang-diin ng NUP na ang seryosong paratang ni Co ― kung totoo ― ay maituturing na kriminal na gawain, subalit nakabatay lamang sa mga pahayag na hindi kailanman isinumpa at nananatiling walang anumang patunay.
Napansin din ng grupo na patuloy na gumagawa ng mga paratang si Co mula sa ibang bansa, na lampas sa saklaw ng legal na pagsisiyasat, na “raises legitimate questions about motive and veracity,” sinabi nito.
Idinagdag ng partido na ang mga kilos ni Co ay sumusunod sa “a troubling pattern of deflection,” at paulit-ulit niyang iniiwasan ang pagharap sa sariling papel sa kontrobersiya.
“Rather than addressing his own role in the controversy, he has chosen to cast blame on others through sensational accusations,” ayon sa statement.
Dagdag pa ng NUP, lumitaw lamang ang mga paratang na ito nang tumaas ang pressure kay Co na ipaliwanag ang kanyang mga kilos at ginawa ito “from the safety of a foreign jurisdiction,” na lalo pang nagpapahina sa kredibilidad nito.
Sinabi ng NUP na ang lumalaking “inconsistency and improbability” ng mga paratang ni Co ay mas naging malinaw sa mga bagong pangyayari sa imbestigasyon.
Binigyang-diin nito na kung patuloy na hindi babalik si Co sa bansa, magbibigay ng testimonya sa ilalim ng panunumpa at maghaharap ng verifiable proof, “his statements are not acceptable and cannot be regarded as truth.”
Hinimok ng partido ang Independent Commission for Infrastructure na ituon ang mga resources nito sa mga alegasyong maaaring masuri nang maayos, at nagbabala laban sa panganib ng pagbibigay-diin sa mga paratang na walang documentary support o credible witnesses.
“We therefore urge the Independent Commission on Infrastructure to exercise judicious discernment in its investigation and focus resources on allegations that can be properly scrutinized, tested, and cross-examined, rather than on claims unsupported by credible or verifiable evidence,” pahayag ng NUP.
“It would be a grave miscarriage of justice to pursue investigations based solely on unverified allegations made by an individual who is himself under investigation by the Ombudsman, refuses to face legal scrutiny, and whose accusations lack supporting evidence,” ayon sa statement nito.
Muling iginiit ng NUP na kung naninindigan si Co sa kanyang mga pahayag, dapat siyang bumalik sa Pilipinas at iharap ang mga ito sa tamang awtoridad.
“This obligation rests not merely upon him as a former legislator, but as a Filipino citizen who owes this duty to his countrymen and to the truth,” sinabi nito.
Diin ng partido, nananatili itong nakatuon sa “truth, fairness, and the integrity of our democratic institutions.”

