PM Vargas

Oath taking ng 5,000 kabataan bilang mga kasapi  ng Red Cross ginanap sa QC Memorial Circle  

Mar Rodriguez May 21, 2024
96 Views
PM Vargas PM VargasPINANGUNAHAN ng Quezon City government kabilang si House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang panunumpa o oath-taking ng nasa 5,000 kabataan bilang mga kasapi ng Philippine Red Cross QC na ginanap sa QC Memorial Circle.
Ayon kay Vargas, malaki ang maitutulong ng mga kabataan at mahalagang papel ang kanilang gagampanan bilang mga Red Cross volunteers.
Sinabi pa ni Vargas na inaasahan na malaking responsibilidad ang kailangang gampanan ng 5,000 kabataan sa panahon ng sakuna at mahigpit na pangangailangan ng mamamayang Pilipino.
Sa ginanap na “oath-taking” sa QC Memorial Circle, naroon din ang presensiya nina QC Vice-Mayor Gian Sotto at Philippine National Red Cross Chairman – Chief Executive Office (CEO) at dating Senador Richard Gordon.
Naniniwala din si Vargas na sa pamamagitan ng 5,000 kabataan bilang mga Red Cross volunteers. Mahalagang papel din ang gagampanan ng Red Cross dahil sa husay, talent at versatility na maiaambag ng mga kabataan.
“Nothing is stronger than the heart of volunteer. Malaki ang maitutulong ng ating mga kabataan sa panahon ng sakuna at pangangailangan ng mamamayang Pilipino. malaking papel ang kanilang gagampanan,” ayon kay Vargas.