Calendar
Obrero tigok sa kadyot ng kapwa obrero
PATAY ang 18-anyos na construction worker sa Novaliches, Quezon City ng saksakin ng salarin na nakatakas noong Biyernes.
Bandang alas-3:00 ng madaling araw naganap ang insidente sa pinagtatrabahuhan ng biktima at suspek.
Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Nestor Ariz Jr., bago ang insidente nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang ilan sa kanilang mga katrabaho.
Habang nasa kalagitnaan ng inuman, nagtalo at nagkapikunan ang biktima at suspek hanggang sa damputin ng huli ang kutsilyo at sinaksak ng dalawang beses ang binata sa tiyan.
Nang duguang bumulagta ang biktima, tumakas ang suspek patungo sa Katipunan Avenue, Brgy. San Bartolome, Novaliches.
Isinugod ng mga kasamahan ang biktima sa Novaliches District Hospital, ngunit idineklarang dead-on-arrival bandang alas-3:40 ng madaling araw.