Suspek Kinilala ni MPD Chief Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay ang natimbog na suspek sa panggagahasa sa Tondo, Manila.

Obrero tiklo sa MPD sa 3-araw na panghahalay sa dalagita

Jon-jon Reyes Sep 12, 2024
21 Views

NAHULI noong Miyerkules ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) sa Luneta ang construction worker sa kasong panghahalay sa isang babae sa loob ng tatlong araw.

Base sa ulat Police Staff Sergeant Melinda Baloc ng Children and Women’s Protection Unit, bandang alas-7:00 ng umaga nang tangayin ang dalagita ng suspek sa Antipolo, Rizal at dinala sa Mithi St., Tondo, Manila.

Pagdating sa nasabing lugar, doon isinagawa ang panghahalay sa biktima na tumagal mula Sept. 9 hanggang kinabukasan.

Noong Setyembre 11, niyaya ng biktima ang suspek na pumunta sa Luneta para mamasyal.

Nang nasa nasabing lugar na ang dalawa, nanghiram ang biktima ng cellphone sa isang bystander at nakipag-ugnayan sa kanyang pamilya.

Nagresulta sa pagkakaaresto ng mga tauhan ng MPD police station 5-Ermita station ang pamamasyal ng dalawa sa Luneta.