Magsino

OFW Party List group nanguna sa pagtatag ng NBIC

Mar Rodriguez Nov 9, 2025
585 Views

PINANGUNAHAN ni dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino ang paglulunsad ng National Blockchain Infrastructure Council (NBIC) na naglalayong gawing ligtas, efficient at graft-free ang mga transaksiyon sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng modernisasyon at digitalization.

Sa kaniyang mensahe sa pagbubukas ng pagpupulong ng Philippine Blockchain Infratructure Council (PBIC) na ginanap sa Grand Hyatt Hotel, BGC sa Taguig City, sinabi ni Magsino na isang napakalaking karangalan na siya ay mapabilang sa mahalagang okasyon kung saan nagsama-sama ang mga kasalukuyan at dating opisyal ng pamahalaan upang isulong ang modernisasyon at digitalization sa iba’t-ibang government transactions.

“As your moderator today, I am excited and grateful to see how far we’ve come in pushing for digital innovation and transparency in the Philippines. It’s truly and honor to welcome everyone to this important gathering of brilliant minds, innovators, policy makers and partners in governance. Our Blockchain Council meeting,” wika ni Magsino.

Ipinaliwanag ni Magsino na sa kasalukuyang panahon, ang teknolohiya ay hindi na lamang maituturing na isang “option” bagkos, ito ay isang mahigpit na pangangailangan o necessity na magsisilbing mabisang solusyon para sa pagsusulong ng accountability, ang pagpapanumbalik sa tiwala ng mamamayan sa pamahalaan at pagkakaroon ng efficiency sa iba’t-ibang transaksiyon sa pamahalaan.

Ayon sa dating kongresista, ang pagkakaroon ng “Blockchain digital framework” sa iba’t-ibang transaksiyon ay isang pamamaraan upang maiwasan ang mga tinatawag na “under the table” o lagayan, ito ay traceable o hindi makakalusot ang mga illegal at tamper proof kung saan ang lahat ang pagpo-proseso ng mga dokumentong nilalakad sa pamahalaan ay mas magiging mabilis.

“Imagine a Philippines where every transaction is verifiable, traceable and tamper proof. Kung saan, hindi na kailangan ng under the table at lahat ay malinaw at mabilis,” sabi pa nito.

Ipinabatid pa ni Magsino na bunsod ng sumambulat na kontrobersiya at eskandalo kaugnay sa multi-bilyon pisong flood control projects. Napakahalaga aniya ang pagsusulong ng adbokasiya ng PBIC upang magkaroon ng transparency at integridad sa sistema sa iba’t-ibang government dealings kung saan, ito ang pagsisikapang makamtan ng blockchain.

“Pero siyempre, alam din natin ang mga hamon. The recent issues like the flood control scandal reminds us why our advocasy matters now, more than ever. Transparency and integrity in systems, that’s what blockchain can deliver. This is not just a tech project. This is a governance reform,” ani Magsino.

Dagdag pa ng lady solon na: “Today, as we discuss updates, proposals and next steps. Let’s remember that blockchain is about people, about rebuilding trust in government and institutions. Let’s make sure that our discussions today move us closer to real, tangible implementation, one that benefits our citizens, especially those who depend on efficiency and honesty in government process.”