Calendar
Ogie sa pagpo-produce kay Liza: Ako pa ba?
Natawa na lang si Ogie Diaz nang tanungin namin kung willing ba siyang ipag-produce ng pelikula ang dati niyang alaga na si Liza Soberano.
“Walang mai-item?” aniya sabay-tawa.
“Kayo naman, pare-pareho tayo ng trabaho. Ako pa ba? Huwag naman ako,” natatawa pa rin niyang sey.
Pero sa huli ay sinagot din naman niya ang tanong.
“Siguro, hindi pa nagko-cross sa mind ko,” matipid niyang sagot.
Anyway, naitanong namin ito kay Ogie dahil siya ang producer ng bagong pelikula ni Zanjoe Marudo na “How to Get Away from my Toxic Family” na ginagawa na nila ngayon mula sa direksyon ni Law Fajardo.
Ito ay isang family drama na, sey nga ni Ogie, ay talagang para kay Zanjoe.
“Kapag umayaw si Zanjoe, kailangan namin mag-meeting ulit kung sino ang next na makukuha namin, kasi doon namin ibe-base ‘yung mga mukha nung kapatid, nanay, tatay nung lead. Kaya nun’g nag-oo siya, game na rin kami,” sey ni Ogie.
Luckily ay agad namang tinanggap ni Z ang project dahil nagustuhan din niya ang konsepto kahit hindi pa niya nakikita ang script.
Kasama rin sa pelikula sina Susan Africa, Nonie Buencamino, Lesley Lina, Richard Quan, Juharra Asayo at Keena Pineda
Nakatakdang ipalabas ang movie sa January 22, 2025 exclusively sa SM Cinemas.