Venecia Dating Pangasinan 4th District Rep. Christopher De Venecia

Ombudsman kinumpirma na walang pending na kaso vs ex-Cong. De Venecia

221 Views

SI dating Pangasinan 4th District Rep. Christopher De Venecia ay na-clear mula sa anumang criminal at administrative liability, matapos ang pagsusuri sa mga reklamong inihain umano ng isang mamamahayag at lider ng samahan ng mga tricycle.

Sa kabila ng pagkakaroon ng paunang media coverage, mukhang hindi nagtagumpay ang mga paratang na inihain sa Office of the Ombudsman.

Inakusahan sina De Venecia, Mayor Liseldo Calugay at asawa ng alkalde ng plunder, malversation of public funds, grave misconduct, gross neglect of duty at dishonesty kaugnay ng mahigit P286 milyong halaga ng flood control projects.

Gayunpaman, ayon mismo sa complainant, ang mga paratang laban kina Calugay at De Venecia ay nakabatay lamang sa sabi-sabi at pangalawang impormasyon mula sa hindi pinangalanang mga source.

Inamin din nito na wala siyang anumang dokumentaryong ebidensiya na sumusuporta sa kanyang mga pahayag, at humiling pa sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na imbestigahan at beripikahin ang kanyang sariling reklamo.

Bukod pa rito, ang umano’y “video evidence” ng complainant tungkol sa diumano’y walang silbing flood control projects ay mariing kinontra sa social media, kung saan maraming residente ng Pangasinan ang nag-post ng kanilang sariling mga video upang pabulaanan ang mga paratang.

Batay sa pinakabagong clearance mula sa Office of the Ombudsman, walang nakabinbing kasong kriminal at/o administratibo laban kay dating Congressman De Venecia.

Sa kanyang reaksiyon, binigyang-diin ng dating kongresista na, “While the call for transparency and accountability should still remain the priority of every Filipino, we must also remain vigilant against unscrupulous individuals who attempt to take advantage of the outrage, and file nuisance cases hoping for a payday.”