Balikang’ KathNiel pinagpipistahan sa socmed
Feb 24, 2025
BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Calendar

Health & Wellness
Omicron subvariant may local transmission na
Peoples Taliba Editor
May 17, 2022
335
Views
KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na mayroon ng local transmission ng subvariant ng Omicron na BA.2.12.1.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire tatlong bagong kaso ng Omicron subvariant ang nadiskubre sa Western Visayas region.
Isa sa tatlo ay fully vaccinated na laban sa COVID-19 at umuwi sa bansa mula sa Estados Unidos samantalang ang dalawa ay nahawa sa bansa.
Sa dalawang nahawa sa bansa, isa ay fully vaccinated na samantalang ang isa ay bineberipika pa.
Mayroon ng 17 kaso ng BA.2.12.1. sa bansa.
Nilinaw naman ni Vergeire na wala pang community transmission ng subvariant ng Omicron sa bansa.