Vergeiri

14 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 naitala sa bansa

193 Views

NADAGDAGAN ng 14 ang mga naitalang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa

Ayon sa Department of Health (DOH), dalawang kaso ng Omicron subvariant ang naitala sa National Capital Region (NCR) at 12 sa Palawan.

Sa 12 kaso, 11 ang mga dayuhan, ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nabakunahan na umano ng booster shot ang dalawang kaso na naitala sa NCR at nakaranas ang mga ito ng mild symptoms. Itinuturing na sila ay magaling na matapos na makompleto ang home quarantine.

Wala namang ipinakitang sintomas ang 39 close contact ng dalawang taga-NCR.