DOH

Nahawa ng COVID-19 nadagdagan ng 1,399

196 Views

NADAGDAGAN ng 1,399 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa mula Abril 25 hanggang Mayo 1, ayon sa Department of Health (DOH).

Ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nabanggit na panahon ay ay nasa 200, mas mababa ng 5 porsyento kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 18 hanggang 24.

Sa mga bagong kaso, wala ang may malubha at kritikal na karamdaman.

Samantala, mayroon namang naitalang 215 na pumanaw kung saan 40 ay naganap noong Abril 18 hanggang May 1 at ang iba pa ay huli lamang naiulat sa DOH.