OMMC

OMMC tiniyak kahandaan laban sa mpox

Edd Reyes Aug 31, 2024
67 Views

TINIYAK ng pamunuan ng Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) ang kanilang kahandaan laban sa nakakahawang sakit na moneypox (mpox)

Ayon kay Dr. Marlon Arcegono, vice chairman ng Infection Prevention and Control Unit ng naturang pampublikong pagamutan, hihilingin nila sa Department of Healht (DOH) na mabigyan sila ng bakuna laban sa naturang sakit upang matiyak na may proteksiyon ang kanilang mga tauhan sa Emergency Room (ER) at sa Dermatology Department dahil sila ang humaharap sa pasyenteng may sintomas ng Mpox.

Habang hinihintay aniya nila ang bakunang manggagaling sa DOH, magpapatupad sila ng kaukulang hakbang upang mapangalagaan, hindi lamang ang kanilang mga tauhan, kundi maging ang mga pasyente.

“The Ospital ng Maynila Medical Center is committed to being fully prepared and equipped to respond effectively if MPox cases are detected,” paliwanag pa ni Dr. Arcegono.

Nagbigay din ng paalala si Dr. Arcegono sa publiko na gawin ang nararapat na kaparaanan upang makaiwas sa naturang sakit at sumunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan at mga ahensiyang nangangalaga sa kalusugan upang makaiwas sa MPox.

Kailangan aniyang gamitin ng publiko ang natutuhang leksiyon sa nakaraang pandemyang dulot ng COVID-19 upang hindi kumalat ang MPox sa bawa’t komunidad.

“Vigilance and adherence to universal precautions are crucial. Do not believe in myths or superstitions, and avoid consulting albularyo and quack healers if you have symptoms of Mpox. It’s important to seek help from doctors like us here at OMMC for the right treatment,” paliwanag pa ni Dr. Arcegono.