Baklas

Oplan Baklas ng mga poster, campaign materials isinagawa sa Calabarzon

18 Views

Camp BGen Vicente P. Lim, Calamba City – Sa pangunguna ni Police Regional Office Calabarzon Regional Director, PBGEN Paul Kenneth T. Lucas, isinagawa ang simultaneous Operation Baklas ng mga posters at iba pang campaign materials sa paligid ng Camp BGen Vicente P. Lim, Calamba City, Martes, nitong Mayo 20, 2025.

Isinagawa din ang mga katulad na operasyon ng iba’t ibang police provincial office at city/mmunicipal police stations sa loob ng kani-kanilang nasasakupan kasama ang mga mga paglilinis.

Ang layunin ng aktibidad na ito ay linisin ang mga pampublikong lugar ng mga campaign materials na nakapaskil sa mga lugar na ipinagbabawal, gayundin ang paalalahanan ang publiko tungkol sa kahalagahan ng pagsunod sa mga batas at regulasyon sa panahon ng halalan.

“Ang Operation Baklas ay hindi lamang tungkol sa pagtatanggal ng mga campaign materials. Ito ay bahagi ng ating mas malawak na misyon na tiyaking malinis ang ating mga kalsada at paligid pagkatapos ng halalan, at gayundin ang pagsasagawa ng mga clean-up drive sa paligid ng kampo bilang paghahanda sa tag-ulan at potensyal na pagbaha,” sabi ni PBGen.Lucas.