Calendar

P.5M sa info utak ng pagpatay sa kapitan
TALAVERA, Nueva Ecija–Nag-alok si Mayor JR Santos ng P.5 milyong pabuya para sa anumang impormasyon na magbibigay-daan para mahuli ang utak ng pagpaslang kay Brgy. Chairman Joel Dalmacio noong Lunes.
Ayon sa alkalde, sisiguruhin nilang confidential ang anumang impormasyon at ligtas ang sinumang magbabahagi nito sa otoridad ukol sa pagkakakilanlan ng salarin.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Mayor Santos sa mga pulis para sa ikalulutas ng krimen.
Sakay si Dalmacio ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin sa Maharlika Highway malapit sa paaralan ng Brgy. Calipahan dakong alas-8:40 ng umaga.
Tikom ang bibig ng mga pulis sa motibo ng pagpatay sa nasabing opisyal ng barangay.
Kinondena nina Mayor Santos at kapatid na si Vice Mayor Nerivi Santos Martinez ang pamamaslang.