Rubio

P120M halaga ng nakumpiskang marijuana inilipat ng BOC-Clark sa pangangalaga ng PDEA

115 Views

INILIPAT na ng Bureau of Customs Port of Clark (BOC Clark) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region III ang pangangalaga sa P120.185 milyong halaga ng by-products ng marijuana na nakumpiska nito mula sa iba’t ibang kargamento.

Nadiskubre ang mga by-product ng marijuana mula sa 10 shipment. Kasama sa mga nakumpiska ang isang pakete ng Cannabidiol (CBD) gummies, isang bote ng Beebe Terpene tincture strawberry diesel, 11 piraso ng vape juice, siyam na piraso ng vape cartidge, 23 piraso ng Dabwoods vape pen, hemp gummies, tatlong bote ng Terp Science labs, at 470 tableta na may codeine at acetaminophen, na kabilang sa listahan ng dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga nabanggit ay nakumpiska mula Disyembre 2022 hanggang Enero 2023.

Iginiit ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na mayroong mga panuntunan na dapat sundin para makapasok ang mga ito sa bansa.

“We would like to reiterate that these products with cannabis or marijuana content are dangerous drugs and need further compliance with regulatory agencies such as PDEA and FDA to ensure safety use,” sabi ni Commissioner Rubio.

Sinabi naman ni BOC-Clark Collector John Simon na ipagpapatuloy ng kanyang tanggapan ang pagbabantay upang matiyak na hindi makalulusot ang mga ganitong uri ng produkto.