BOC

P160M halaga ng smuggled na sigarilyo naharang ng BOC

192 Views

NAHARANG ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Cagayan de Oro ang tangkang pag-smuggle ng P160 milyong halaga ng sigarilyo na nakita sa isinagawang spot-check examination sa Mindanao Container Terminal Port, PHIVIDEC Compound, Tagoloan, Misamis Oriental noong Enero 18.

Ang kargamento ay nanggaling umano sa China at dumating sa Pilipinas noong Disyembre 16.

Idineklara umano ang mga ito bilang “personal effects.”

Nang isailalim sa spot-check examination ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS CDO), Surigao Field Station), at Enforcement and Security Service CDO (ESS CDO) ay nakita ang 2,000 mastercases ng sigarilyong “New Berlin” ang laman nito.