PRC

Nagtapos sa University of Baguio nanguna sa criminologist licensure exam

130 Views

ISANG nagtapos sa University of Baguio ang nanguna sa criminologist licensure examination na isinagawa ng Board of Criminology noong Disyembre 2022.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) si Narcilisa Ponase Talipnao ay nakakuha ng 91.6% na nanguna sa naturang pagsusulit.

Pumasa sa pagsusulit ang 11,098 sa 33,489 na kumuha.

Ang top performing school naman ay ang Tarlac State University (Tarlac College of Technology). Pumasa ang lahat ng 87 estudyante nito na kumuha ng December 2022 criminology licensure exam.