Calendar

P1M gadgets, celphones nalimas ng 2 empleyado
UMAABOT sa P1 milyon ng sari-saring cellphones ang nalimas ng 2 empleyado na nangnenok sa tindahan ng gadgets noong Huwebes sa Arayat, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal ang mga suspek na sina alyas Canda, 33; at Ladra, 19.
Sinabi ng pulisya na inireport sa complainant na si Home Along Sta. Ana branch manager Jerome Lantajo, 27, ng junior store branch manager na si Kristal Mae, 30, ang nawawalang hindi matukoy na dami ng mga assorted cellular phones ng iba’t-ibang brand na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 milyon.
Sa pagsusuri sa CCTV store, nakapasok ang dalawang suspek sa pamamagitan ng pagsira sa mga padlock ng roll-up door at ng makapasok, kinuha ang sari-saring cellular phone at saka tumakas.
Ang dalawa kinilala bilang mga empleyado ng tindahan.