Rubio

P2.4M halaga ng smuggled fuel nasabat ng BOC

184 Views

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Limay ang isang trak na may dalang 40,000 litro ng smuggled na produktong petrolyo na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.

Pinangunahan ni Acting District Collector Guillermo Pedro A. Francia ang operasyon noong Oktobre 5. Naglatag umano ng checkpoint ang mga otoridad upang maharang ang trak. Nabigo umano ang mga sakay nito na magpakita ng kaukulang dokumento.

Nagsagawa ng field testing ang mga tauhan ng Port of Limay Enforcement and Security Service (ESS) at napatunayan na hindi ito dumaan sa tamang proseso ng pagpasok sa bansa.

Ang mga produktong petrolyo na dumaraan sa tamang proseso ng pagpasok at nababayaran ng tama ang buwis ay mayroong mga fuel marking.

Pinuri ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio si Collector Francia at ang mga tauhan ng Port of Limay sa kanilang masigasig na pagbabantay upang hindi makalusot ang mga smuggled na produkto.

“The Bureau of Customs remains steadfast in its dedication to thwarting illegal smuggling operations and safeguarding the nation’s economy. This successful operation reflects the unwavering commitment of our dedicated personnel,” ani Commissioner Rubio.