Calendar
P204M shabu nasamsam sa babae sa Las Pinas
MAHIGIT P200 milyong shabu ang nakumpiska sa pinaniniwalaang babaeng tulak ng iligal na droga sa buy-bust noong Sabado sa Las Pin̈as City.
Nagtulong ang PNP-Drug Enforcement Group (PDEG), National Capital Region Police Office (NCRPO), Southern Police District (SPD), at Las Pin̈as police para maaresto si alyas Girlie, 40, dakong alas-3:00 ng hapon.
Umabot sa 30,000 gramo ng shabu ang nasamsam kay alyas Girlie na tinatayang nagkakahalaga ng P204 miyon pati na ang ginamit na markadong salapi na kinabibilangan ng isang P1,000 genuine bill na nakapatong sa 15 piraso ng tig-P1,000 boodle money at mobile phone na gamit sa ilegal na transaksyon.
Ayon kay SPD Director P/BGen. Rodel Pastor, dadalhin ang mga nakumpiskang shabu sa kanilang Forensic Group upang isailalim sa chemical examination.
Nasa pangangalaga na ng Las Pinas police ang suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) laban sa kanya sa Las Pin̈as City Prosecutor’s Office.

