Calendar
P20M smuggled electronics nasabat ng BOC sa Bulacan
NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may P20 milyong halaga ng electronic products na pinaniniwalaang smuggled sa isang warehouse sa Bulacan.
Sa bisa ng Letter of Authority (LOA) na pirmado ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, nagsagawa ng inspeksyon ang BOC sa ECOM Electronics Reconditioning Services located sa RIS Industrial Complex Guiguinto, Bulacan at doon nakita ang mga Smart TV at mga computer units.
Mayroon umanong natanggap na derogatory information ang BOC laban sa warehouse kaya pinuntahan ito ng composite team ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) – Port of Manila, Criminal Investigation and Detection Group – Philippine National Police, Enforcement and Security Service – Port of Manila, Formal Entry Division – Port of Manila, at Legal Service, RCMG.
Bukod sa mga TV na iba’t iba ang laki, mayroon din umanong nakitang laminating machine, mga kahon para sa packaging, at mga repair at reconditioning materials.