Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
2 magkaibigan tiklo sa pagnanakaw
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
19 nawawala sa nasunog na barko—OCD
Peoples Taliba Editor
Apr 11, 2023
479
Views
NASA 19 na pasahero pa ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3 ang nawawala, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Sinabi ni OCD spokesperson Undersecretary Raffy Alejandro na patuloy pa rin ang ginagawang retrieval and recovery operation sa lugar.
Mayroong 32 kumpirmadong nasawi sa sunog na naganap noong Marso 30 sa Basilan. Sa bilang na ito 16 ang hindi pa nakikilala dahil sa labis na pagkasunog.
Naglayag ang barko sa Zamboanga City at patungo sana sa Jolo, Sulu nang maganap ang insidente.
Upang mailigtas ang mga pasahero, pinaandar ng kapitan ang barko patungo sa Baluk-Maluk Island sa bayan ng Hadji Muhtamad, sa Basilan.
Umabot naman sa 230 ang nakaligtas sa trahedya.
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

